LARA NADEZDA MELENCIO

LARA NADEZDA MELENCIO
This is Me. :D

Thursday, March 4, 2010

Para Maiba Naman...

Sa dami ng sinulat ko sa blog na ito, ngayon pa lang ako magsusulat sa Tagalog... Oo, sa ka-una unahang pagkakataon pipilitin kong magsulat ng purong Tagalog. Naks! Nagkaroon ako ng inspirasyon na magsulat gamit ang aking sariling wika dahil sa pelikulang "Miss You Like Crazy". Ito ay ginanapan ng tambalang Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Napakaganda ng pelikulang ito lalung lalo na ang mga katagang sinabi ng mga gumanap dito. Gustong gusto ko kung paano nila isinalarawan kung bakit ang pag-ibig ay tunay na "walang pinipiling panahon at oras" at "ang lahat ay makikiayon pag dating ng tamang panahon." Grabe, ang hirap pala magsulat ng purong tagalog. Heto ang ilan sa mga di malimutang linya o kataga mula sa pelikula.


1. "Laging mali ang timing namin... Time was never our friend..." - John Lloyd
2.  "Time is meaningless when you're in love".. - Lolo Yuli
3. "Ito ang mundo ko -- old, musty, falling apart." - John Lloyd


Marami pa sana akong ilalagay pero hindi ko na maalala yung ibang linya. Ahaha! Hintayin natin ang DVD niya para mas maisulat ko. Ahaha... Gustong gusto ko yung eksena na sinasabi ni bea na after 2 years ay babalik si John Lloyd para guluhin lang ang buhay niya at yung pagsabi niya ng "Eh Putangina Mo!".... ahaha... Wala na akong masabi... Mahirap magsulat sa Tagalog, yun lang.

No comments: