LARA NADEZDA MELENCIO

LARA NADEZDA MELENCIO
This is Me. :D

Saturday, March 30, 2013


It's our 2nd anniversary BABE! Tinuloy ko pa rin to kasi ito yung inaabangan kasi talaga natin. We were supposed to go out of town and leave everything behind. We were supposed to have a week-long celebration.

This time, it's a celebration of tastes, memories, life and love. Ito yung mga pagkain na memorable sa kin, sa tin - mga hilig nating ibigay sa isa't isa. Kahit you're not physically here to celebrate this day, at least I got to celebrate it with the people we love -friends and family.

Salamat sa lahat lahat BABE. Salamat sa pag aalaga sa akin, lalong lalo na pag may sakit ako. Salamat sa laging pagremind sa akin na mahal na mahal mo ko. Salamat sa mga ngiti at tawa mo na laging nagpapagaan ng loob ko. Salamat sa paghatid sa kin araw-araw papuntang school at sa pag attend ng activities ko sa school.Thank you for being there for me sa lahat ng oras, mapa-worst or best moments of my life. Thank you for always telling me I am beautiful whenever I needed a confidence boost. Thank you for believing in me and being my number1 fan in everything. Thank you for sharing all your hopes, dreams and worst fears to me. Thank you for being the ideal partner - my perfect boyfriend. Thank you for the unconditional love babe na hanggang sa huli ay pinakita at ipinadama mo sa kin. Thank you for the wonderful memories. Hinding hindi na yun maaalis sa isip, puso at kaluluwa ko. I will always look back at those memories dahil yun ang pinakamasaya ko. Being with you was as natural as breathing.

Kulang ang space dito kung ieenumerate ko lahat ng namimiss ko. Yung malaki mong tyan na favorite kong gawing unan, yung paghilik mo ng malakas na minsan parang nananakot, yung nagsasalita ka habang tulog, yung ichura mo pag nagtatampo, yung reaksyon ng mukha mo pag hindi ako nakapag "I love you too" agad, yung mga yakap mo pag sobrang down na down ako, encouraging words mo pag naaasar ako sa buhay, pagtulong mo sa mga video and powerpoint presentations ko, yung pagsugod mo sa bahay at iniiwan lahat ng ginagawa mo pag naaaksidente ako, yung maya't mayang text mo habang nagkaklase ako, yung paghele mo sakin para makatulog, yung pag sinabi mong "hindi pwede" at alam ko talagang hindi talaga pwede, yung pagkanta mo nung song natin at random moments and so much more.

Parang naputulan ako ng mga paa nung nawala ka. Lahat ng plano at pangarap na tayong dalawa ang nagbuo bigla bigla na lang nawala. Kung gaano kabilis kang ibinigay sa kin, ganun din kabilis kinuha. Oo nahihirapan pa rin ako. Masakit pa rin isipin na hindi na kita makikita ulit, na hindi na tayo tatandang magkasama. Hindi naman madaling maiwanan. Hindi naman madaling mag move on lalo na kung alam naman natin na hindi mo rin ako ginustong iwan.

Gaya nga ng pinost ko noon sa fb, "you are my inspiration in everything I was, I am and will be." you will always have a special place in my heart BABE. Hinding hindi kita malilimutan. You taught me a lot things. You made me a better person. You became my light when everything seemed to be so dark. You were my rock. Itong mga bagay na to alam kong once in a lifetime ko lang mararanasan and I'm so grateful that I got to share these with you.

Hindi ko niroromanticize ang love story natin. Ikaw na ikaw talaga yan BABE. Mahirap man paniwalaan na may taong ganito, eh ganito ka eh - ikaw 'to. Hindi man ako showy at affectionate na girlfriend, sana naramdaman mo kung gaano kita kamahal in my own little ways. Sana naramdaman mo how grateful I was to have had you in my life. I was the luckiest person to experience such true love that will last a lifetime. Na kahit sa sandaling panahon lang, we were happy.

Click Here for More Photos